Mukhang laging umiiyak kahit hindi naman ang magkapatid na Chluawie at Crystal ng Bonifacio,  Misamis Occidental.  Nagsimula raw na makita ang sintomas sa problema ng magkapatid nang mag-isang-taong-gulang sila. Ano nga ba ang karamdaman na dumapo sa kanila? 

Ayon sa ina ng magkapatid na si Nelma, normal nang ipagbuntis niya at isilang ang panganay na si Chluawie. Pero nang maging isang-taong-gulang na ang anak, napansin nila na may kakaibang nangyayari sa mga mata nito.

Sa mga sumunod na buwan, napansin din nila na nagsimula na rin tumigas ang kaniyang mga braso at binti.  Ang nangyari kay Chluawie, nangyari  din sa sumunod nilang anak na si Crystal.

Dahil kapos sa buhay, sa albularyo lang nila unang ipinasuri si Chluawie at sinabihan sila na "nausog" ang anak.  Matapos dasalan, sinabihan umano sila na darating ang araw na babalik din sa normal ang bata.

At pagkaraan ng isang taon, isinilang naman si Crystal at nangyari din sa kaniya ang nangyari sa kaniyang ate.

Sinamahan ng "KMJS" ang mga bata na maipatingin sa mga espesyalista at dito naliwanagan ang mga magulang nina Chluawie at Crystal tungkol sa pambihirang karamdaman na dumapo sa magkapatid. Panoorin:


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News