Hindi maintindihan ng mga babae kung minsan ang mga lalaki lalo na ang kadalasang ekspresyon tulad ng "ayos lang," "last bottle na lang," at "special friend" dahil nararamdaman nilang may iba pa ibig sabihin ang mga ito.

Sa Mars episode nitong Biyernes, tinulungan nina Bae Joel Palencia at Vince Gamad na "i-decode" ang ilan sa mga ekspresyong ito ng mga lalaki.

Kapag ang sagot ng isang lalaki ay "ayos lang naman" sa tanong ng babae kung sa kanyang buhok, ibig sabihin nito ay may kulang.

"'Pag sinabing 'ayos lang naman,' meron kang nakikitang something o hindi mo lang siya madiretso na sobra 'yung lagay niya. Para hindi siya ma-offend, sasabihin mo, 'ayos lang.' Ibig sabihin kulang," paliwanag ni Palencia.

Tinuruan naman daw si Gamad ng kaniyang tatay na magsabi ng "white lies" upang hindi masaktan ang mga babae kung sasabihing may kulang sa effort sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.

"Kahit hindi maganda, you have to [tell] white lies, kasi nag-effort si girl eh," sabi ni Gamad.

Kapag nasa gimikan naman ang lalaki at sinabi niyang "last bottle na lang" o "uuwi na ako," sinasabi ito para hindi na magalit ang kanilang kasintahan o asawa.

"Actually sinasabi lang namin 'yon kapag nag-e-enjoy ka sa mga kasama mo sa inuman. So para hindi na magalit 'yung girlfriend mo, sasabihin mo 'last bottle na lang ito' pero ang totoo, pwede kang mag-reason sa kaniya after kang umuwi eh. So hangga't maari, magpalusot ka sa kaniya para kahit paano 'yung patience niya, 'yung galit niya, bumaba," sabi ni Palencia.

"Oo, I mean it, tapos nagdadala ako ng pasalubong para sa kaniya," sabi naman ni Gamad.

May mga paraan din daw ang mga lalaki kung paano nila ipapakilala ang isang babaeng kaibigan para hindi magalit ang kanilang kasintahan.

"Pag sinabing 'special friend,' may something eh. Inappropriate to use kaya sabihin mo na lang ng diretsahan, 'best friend' o 'kababata ko yan' para hindi siya magalit," paliwanag ni Palencia.

"I just use the name para wala nang confusion. 'Uy si Angel' or 'Uy si Ana' para wala nang tanong tanong. Just use the word friend, it's the safest answer," sabi naman ni Gamad.

Ipinaliwanag din nina Palancia at Gamad kung ano ang ibig sabihin ng mga lalaki sa sagot na "ayos lang ako" matapos nilang maghintay nang matagal sa kanilang partner.

Panoorin ang buong talakayan.

—ALG, GMA News