Maliban sa maaalat na pagkain, maaari din palang pagmulan ng "bato sa bato" o kidney stones ang labis na pagkain ng matatamis tulad ng carbonated drinks.  Panoorin ang episode na ito ng "Pinoy MD" upang maglaman ang mga sintomas ng sakit at kung papaano ito malulunasan.

Ilan umano sa mga sintomas ng pagkakaroon ng kidney stones ay pananakit ng tagiliran at sa ibabang parte ng likod, may nararamdamang sakit at hirap sa pag-ihi, at pagkakaroon ng lagnat.

Ayon sa doktor, maaaring makuha ang kidney stones dahil sa pagkahilig sa maaalat na pagkain at maging sa matatamis gaya ng soft drinks.

Ang kidney kasi ang sumasala sa toxins na dugo ng tao, na ilalabas naman sa pamamagitan ng  pag-ihi. Pero kapag sobra-sobra umano ang konsumo ng maaalat at matatamis na pagkain, namumuo ang asin o ang asukal sa  loob ng kidneys na siyang nagdudulot ng impeksyon at pagbabara sa daluyan ng ihi.

Patuloy ng doktor, hindi dapat balewalain ang kidney stones at kailangan itong maalis kaagad dahil posibleng lumala ang impeksyon at kumalat sa iba pang organs na mas delikado sa pasyente.

Bukod sa karaniwang mga operasyon na ginagawa para maalis ang bato sa bato, alamin ang iba pang lunas sa naturang sakit at kung paaano maiiwasan ang naturang problema sa kalusugan. Panoorin ang pagtalakay na ito ng "Pinoy MD."


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News