Isa ang San Andres Bukid sa mga lugar sa Maynila na natigmak ng madugo dahil sa kampanya laban sa iligal na droga. Sa lugar na ito, aktibong tumutulong si Sister Nenet sa mga kaanak ng hinihinalang biktima ng EJK na naghahanap ng katarungan kahit batid niyang posibleng malagay din sa panganib ang sariling kaligtasan.
Pero bakit nga ba niya ito ginagawa? Panoorin ang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo sa "i-Witness."
Bukod sa paghahanap ng katarungan, binigyan din ni Sister Nenet [sa tulong ng Central Law] ng edukasyon at kaalaman ang mga residente ng San Andres Bukid tungkol sa kanilang karapatan pantao sa ilalim ng batas.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
