Isa sa mga tungkulin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang magkaloob ng pinansiyal na tulong sa mga kapus-palad na pasyente. Alamin kung papaano makahihingi ng tulong para sa iba’t ibang pangangailangan tulad ng financial assistance sa bayarin sa ospital, gamot at iba pang may kinalaman sa kalusugan.

Narito ang mga hakbang mula sa Facebook page ng programang "Reel Time:"

REQUEST PARA SA GAMOT

- Letter of request na manggagaling mula sa pasyente o immediate family na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
- Orihinal o certified true copy ng medical abstract na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor
- Reseta na pirmado ng doktor ng pasyente, kasama ang halaga ng mga gamot mula sa pharmacy ng ospital. (Kung hindi available ang mga gamot sa ospital kung saan nagpapatingin ang pasyente, kailangang magsumite sa PCSO ng certification of unavailability mula sa pharmacy ng ospital)
- Photocopy ng identification card (ID) ng taong nagre-request kasama ang kaniyang pirma

REQUEST PARA SA BAYARIN SA OSPITAL

- Letter of request na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
- Orihinal o certified true copy ng medical abstract na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor.
- Statement of Account o hospital bill na sertipikado ng billing officer o credit supervisor ng ospital
- Endorsement letter mula sa social service ng ospital o mula sa credit and collection officer

REQUEST PARA SA DIALYSIS

- Letter of request na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
- Orihinal o certified true copy ng medical abstract na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor.
- Endorsement letter mula sa isang dialysis center o ospital kung saan nagbibigay ang PCSO ng endowment fund
- Official Price Quotation mula sa dialysis center/ospital
- Certification of Acceptance mula sa dialysis center/ospital
- Kapag hindi isinasagawa ang dialysis solution o post-operative medicines sa ospital ng pasyente, magsumite sa PCSO ng certification of unavailability
- Photocopy ng identification card (ID) ng taong nagre-request kasama ang kaniyang pirma.

REQUEST PARA SA HEARING AID

- Letter of request na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
- Orihinal na kopya ng audiological evaluation report na pirmado ng audiometrist
- Isa o dalawang price quotations mula sa mga hearing aid center
- Photocopy ng identification card (ID) ng taong nagre-request kasama ang kaniyang pirma

REQUEST PARA SA WHEELCHAIR, PROSTHETIC DEVICES AT IMPLANTS

- Letter of request na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
1. Para sa implant/phosthesis request
- Original o certified true photocopy ng medical abstract na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor.
2. Wheelchair request
- Original o certified true photocopy ng medical abstract o medical certificate na mayroong wheelchair specifications na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor.
- Dalawang opisyal na price quotations mula sa dalawang magkaibang kumpanya
- Isang whole body picture ng pasyente na nagre-request ng wheelchair o prosthesis

REQUEST PARA SA LABORATORY O DIAGNOSTIC PROCEDURES

- Letter of request na manggagaling mula sa pasyente o immediate family na naka-address sa Chairman (Anselmo Simeon Pinili) o General Manager (Alexander Balutan) ng PCSO
- Orihinal o certified true copy ng medical abstract na pirmado ng doktor ng pasyente. Ilagay din ang license number ng doktor
- Pirmadong request letter mula sa doktor. Ilagay din ang license number ng doktor.
- Opisyal na price quotation o halaga mula sa laboratoryo ng ospital. (Kung hindi isinasagawa sa ospital ng pasyente ang kailangang procedure, magsumite sa PCSO ng certification of unavailability mula sa laboratoryo ng ospital)
- Photocopy ng identification card (ID) ng taong nagre-request kasama ang kaniyang pirma.

(source: www.pcso.gov.ph)

-- FRJ, GMA News