Sa datos ng National Kidney and Transplant Institute, mula sa mahigit 4,700 na pasyenteng nagda-dialysis sa ospital noong 2001, tumaas na ito sa mahigit 32,000 noong 2015. Maging ang mga batang nagkakaroon ng sakit sa bato, dumadami na rin.

Panoorin ang ginawang pagtalakay ng programang "Investigative Documentaries" sa sakit na ito, na sinasabing pangpito sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy.

Alamin din ang mga pagkain na dapat iwasan o dapat bantayan upang maalagaan ang bato, tulad sa dami o sukat ng asin at asukal na dapat na ipinapasok natin sa katawan.


Click here for more GMA Public Affairs videos

-- FRJ, GMA News