Nang mauso noong 1980s, sinasabing pumatok sa Japan ang mga beki na drag queen dahil sa husay nilang mag-perform at magpatawa. Pero ngayong may mga edad na, kumusta na kaya sila at ano ang plano nila sa buhay?
Sa programang "Front Row," ikinuwento ni Rico Medez Reyes, a.k.a. Elizabeth Medez, na nagsimula lamang siya sa pagiging male performer hanggang sa maging isang gay Japayuki noong 1981.
Pinag-aralan ni Rico ang pagme-makeup sa loob ng anim na buwan, at naranasang mag-perform kahit may sakit.
Isa ring drag performer si Flor Bien Jr., a.k.a. Amparo dela Muñoz, na kumakanta noon ng kundiman para sa mga Hapon. Ayon sa kaniya, mas gusto ng mga Hapones ang totoong boses ng isang performer.
"Kahit na singer ka, kailangan mahusay ka rin magpatawa, kausapin mo ang audience. Mas mabenta pa ngang umuupo ang mga bading kaysa sa mga babae eh. Mas gusto pang tine-table ng mga Hapon ang mga bading kasi nga daw masayahin at walang nangyayaring mga selosan," sabi ni Flor.
Para naman kay Alfredo Alipao, a.k.a. Alfie Melon Moreno, mas pipiliin niyang maging entertainer sa Japan dahil mga artista o celebrity ang turing ng mga tao doon sa kanila.
Nagsisilbing PR manager ngayon si Alfie sa isang bar. Ngunit kapag big night, nagso-show pa siya bilang drag queen.
Alamin ang buong kuwento ng kanilang buhay sa video na ito:
Click here for more GMA Public Affairs videos.
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
