Itinuturing na "silent killer" ang altapresyon na nagdudulot ng stroke o heart attack kapag napabayaan. At batay sa tala ng Department of Health, isa sa bawat apat na Pinoy o tinatayang 12 milyon Pinoy ang taglay ang problemang ito ng kalusugan.
Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagiging high blood ang isang tao at ano ang mga maaring gawin upang ito ay maiwasan. Panoorin ang video na ito ng "Pinoy MD" at alamin din kung bakit kailangan munang sumangguni sa doktor bago uminom ng mga gamot na pangontra sa high blood.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
