Dahil walang mag-aalaga sa bahay, napipilitan si nanay Babylyn na isama nila ng kaniyang asawa sa paglalako ng empanada sa kalye ang anak nilang si JB, 12-anyos, at mayroong cerebral palsy.
Ang lumang wheelchair niya ang nagsisilbi na rin nilang kariton sa pag-iikot para kumita ng bahagya at matustusan ang kanilang pangangailangan. Panoorin ang kanilang nakaaantig na kuwento sa video na ito ng "Front Row."
Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalhin si JB sa isang medical specialist para tingnan ang kaniyang kalagayan at sumailalim sa isang physical therapy para matulungan siya upang maigalaw ang kaniyang katawan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
