Kahit nakapiit, nagawa ng 25 bilanggo sa New Bilibid Prison na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral hanggang sa makapagtapos na sila ngayon sa kolehiyo. Paano nga ba binago ng edukasyon ang pananaw nila sa buhay?
Sa programang "Front Row," inihayag ng pamunuan ng Bureau of Corrections na hindi nagtatapos ang kanilang pagtulong sa mga preso na makapagtapos lang ng pag-aaral. Gagawa rin umano sila ng paraan upang mabigyan ng trabaho ang Bilibid graduates.
Ang ilang mga bilanggo ay kumuha ng B.S. Entrepreneurship, kaya kung sakali mang hindi sila matanggap sa trabaho sa kanilang paglaya, marunong silang magtayo ng sarili nilang negosyo.
Panoorin ang kahanga-hangang kuwento ng mga presong nagpatuloy sa kanilang pag-aaral sa video na ito ng "Front Row."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
