Sa New Bilibid Prison, nakilala ng programang "i-Witness" ang isang bilanggo na hindi marunong magbasa at magsulat. Upang hindi niya makalimutan ang buo niyang pangalan, ipina-tattoo niya ito sa kaniyang braso.

Tatlong taon na siyang nakakulong dahil sa kasong acts of lasciviousness. Hindi raw niya lubos na alam ang kaniyang kasalanan at hindi rin niya kilala ang kaniyang naging abogado. Ngayon, ang pag-aaral sa Alternative Learning System ang kaniyang pinagkakaabalahan sa loob ng piitan.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral at matutong magbilang--sa loob pa ng piitan. Alamin ang kaniyang kuwento sa dokyumentaryong ito ni Kara David na, ‘Kakosa, Kaklase.’

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News