Sa programang Pinoy MD, ipinaliwanag ng internist na si Dr. Rolando Balburias na mas mainam na uminom nang malamig na tubig sa umaga kaysa maligamgam na tubig. Alamin kung bakit.

"'Yan 'yung tinatawag natin na... cold thermogenesis, kasi nga bini-break in mo ang katawan natin, that will speed up 'yung metabolism natin," paliwanag ni Balburias.

Hindi rin aniya mabuti na uminom ng maraming tubig pagkatapos kumain.

"Ngayon 'yung pag-inom ng tubig naman bago at pagkatapos kumain, hindi rin po maganda 'yon dahil nadi-dillute natin yung mga digestive enzymes na kailangan natin para ma-digest po nang tama ang ating pagkain," paliwanag niya.

Ayon kay Balburias, magdudulot  ito ng malabsorption [syndrome] o ang tinatawag na impatso o indigestion. Alamin ang iba pa niyang health tips sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News