Itinuturing salot ng isang may palaisdaan sa Pampanga ang mga ahas-pagong o Chinese soft-shelled turtle na biglang sumulpot sa kanilang lugar at kinakain ang maliliit nilang isda. Upang mapakinabangan ang mga salot, hinuhuli nila ang mga ito at ibinebenta para naman lutuin.

Ano nga ba ang lasa ng ahas-pagong at saan kaya nagmula ang mga ito? Tunghayan ang report na ito ng "iJuander," at alamin ang isa pang hayop na salot naman sa mga magsasaka sa naturang lalawigan.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News