Sa programang "Pinoy MD," tinalakay ang mga usapin sa pagbubuntis tulad ng incompetent cervix, at kung delikado bang mabuntis ang mga nasa edad 35 na pataas.
Ayon kay OB-Gynecologist na si Dr. Raul Quillamor, puwede pang mabuntis ang mga babaeng 35-anyos pataas hangga't mayroon pang menstruation dahil nangangahulugan ito ng ovulation.
Ang incompetent cervix naman ay ang unti-unting pagbuka ng kuwelyo ng matris ng babae kapag siya ay buntis, na dahilan para siya makunan o magkaroon ng miscarriage.
Paliwanag ni Quillamor, may paraan naman para maisaayos ito. Alamin sa video kung papaano at ano ang dahilan ng incompetent cervix. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
