Sadyang problema ng ilan ang body odor tulad ng anghit, maamoy na paa, at bad breath. Pero na kailangang gumastos nang mahal para hanapan ito ng lunas dahil may mga pangremedyo na maaaring nasa kusina lang.

Sa programang "Good News," ipinakita ng dermatologist na si Dr. Marieta Santos ang mga paraan kung paano makagagawa ng homemade deodorant para sa kili-kili gamit ang cornstarch, baking soda, coconut oil at essential oils.

Pero dapat maging maingat din sa paggamit ng mga ito dahil iba-iba umano ang pagiging sensitibo ng balat.

Maliban dito, puwede ring ipahid ang potato o patatas sa kili-kili dahil naghahatid ito ng karagdagang acidity level para mapuksa ang bacteria nang dahil sa pawis.

Ipinayo rin ni Dr. Santos na maaaring gamitin ang hand sanitizer sa paa.

Samantala, sinabi ni Dr. Eric Gutierrez na nakatutulong ang luya para maiwasan ang bad breath dahil mayroon itong "gingerol" na nagneu-neutralize ng "volatile sulfur compounds," na siyang sanhi ng mabahong hininga.

Panoorin kung paano makagagawa ng homemade remedies na ito, papaano gagamitin at ano ang benepisyo ng bawat ingredient.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News