Mula nang itampok ng mga blogger na sina Alpha Joy Sto. Domingo at Francis Amoroso ang kuwento ng mangangalakal na si Tatay George, marami ang naghayag ng kagustuhan na tulungan siya.
At ang simpleng hiling ni Tatay George, ang makakain ng fried chicken sa isang sikat na fast-food restaurant.
Panoorin sa "Reel Time" ang pagtupad ng kaniyang simpleng hiling, na may kasama pang grocery para sa Pasko mula sa mga mabubuting puso. — Jamil Santos/DVM, GMA News
