Dahil sa kahirapan, maraming mangingisda sa Davao del Sur ang kapos edukasyon. Pero sa kabila nito, pursigido naman silang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).
Dito, natuto sila ng Math, English, Filipino, financial fitness at critical thinking sa tulong ng mga ALS Mobile Teachers na pumupunta sa kanilang lugar.
Isa si Tatay Jovelito Lantayona na natulungan ng ALS, na sinabing may nalaman ulit siya sa kaniyang pagkatao. Nangako naman ang anak niyang si Pearl Joy na hindi siya magsasawang turuan ang kaniyang tatay.
Panoorin ang naging pagtutok ng "Front Row."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
