Sa programang "Pinoy MD," tinalakay ang pagkakaroon ng sakit sa atay at kung paano maiiwasan, at kung dulot din ba ito ng iba pang kondisyon tulad ng Hepatitis B at Liver Cirrhosis.

Isa sa mga nagkaroon ng liver cancer si Rey Sacapaño. Taong 2017 nang ma-diagnose siya ng sakit, kung saan may nakitang cancerous na nodule sa kaniyang atay na may laking tatlong sentimetro.

Bukod dito, nahilo si Rey at nagsusuka. Nalaman naman sa kaniyang executive check up na positibo siya sa Hepatitis B at meron din siyang Liver Cirrhosis.

Inabot si Rey ng halos P500,000 sa liver operation. Sa Hepatitis B naman, inabot siya ng P8,000 hanggang P10,000 kada buwan sa nga bayaring gamot.

Bago nito, nasa lahi na nina Rey ang cancer. Nagka-liver cancer din ang kaniyang kuya, nagka-breast cancer ang isa niyang kapatid at ang isa pa ay nagka-liver cancer.

Sinabing resulta ng cirrhosis ang liver cancer, na nakukuha sa sobrang pag-inom ng alak ng isang tao. Nakukuha rin ito sa fatty liver, dulot ng labis na pagkain ng mamantika at matatabang pagkain.

Hereditary rin ang liver cancer na napapasa ng magulang sa anak, at naipapasa sa pamamagitan ng viral infection tulad ng Hepatitis B. — Jamil Santos/DVM, GMA News