Naka-high alert ngayon ang Pilipinas at iba pang panig ng mundo matapos ang outbreak ng novel coronavirus sa Wuhan, China. Ang hinihinalang pinagmulan ng nakamamatay na virus, ang kinakaing karne ng paniki at civet cat ng mga Tsino.

Pero ang pagkain ng naturang exotic meat, ginagawa rin pala sa ilang lalawigan sa Pilipinas, kung saan pinupulutan pa ang nahuhuling mga paniki na para daw karne ng ibang uri ng hayop na nabibili sa pamilihan.

Tunghayan ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung bakit sinasabi ng ilang dalubhasa na hindi ligtas kainin ang mga paniki at civet car o musang. Panoorin.


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News