Nasawi ang isang buntis matapos siyang pagsasaksakin habang natutulog ng isang lasing umano na pumasok sa kanilang bahay sa Badoc, Ilocos Norte.
Sa ulat ni Jonathan Andal sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa imbestigasyon na kasama pa ng biktima ang anak nito habang natutulog, nang pumasok ang suspek at pinagsasaksak siya.
Naiwan pa sa bahay ang ginamit na kutsilyo ng suspek.
Dead on arrival sa ospital ang biktima.
Dinakip ang suspek, na lasing umano kaya hindi alam ang kaniyang nagawa.
Batay sa pulisya, dati nang nakulong ang suspek, na inihabla na ng murder. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
