Pumanaw nitong nakaraang linggo dahil sa heart attack si Father Fernando Suarez, na kilala sa kakayanang magpagaling umano ng mga may karamdaman sa pamamagitan lamang ng kaniyang haplos at dasal.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, binalikan ang buhay ng kontrobersiyal na pari na tubong Taal, Batangas na nadestino sa Canada at papaano niya natuklasan ang pambihirang biyayang taglay niya para manggamot.
Kasabay nito, panoorin din ang testimonya ng ilang napagaling umano ni Fr. Suarez, at ang pagbahagi niya ng kuwento tungkol sa isang babae na idineklara nang clinically dead pero muling nabuhay matapos niyang dasalan. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
