Sa "Pinoy MD," tinalakay ng dermatologist na si Dr. Jean Marquez ang klase ng mga bukol at iba pang mga tumutubo sa katawan, at kung ligtas ba ang mga ito o cancerous.

Ayon kay Marquez, malalaman ng isang tao kung "benign" o "malignant" ang bukol kung sasailalim siya sa biopsy.

Posible ring cyst ang nakakapa ng isang tao sa kaniyang balat kung malambot ito at bilog pero wala namang kaakibat na masakit. Kung gumagalaw, nakakapa, at nakukuha ang border ng isang bukol, maaaring benign ito.

Sebaceous cyst naman ang tawag sa bukol na makikita sa may hair follicle o maaarign nanggaling sa taghiyawat.

Benign din ang Seborrheic keratosis na pangingitim, accumulation ng pigments, at pangingitim sa mga matatanda na waxy.

Maaari namang maging delikado ang may Lymphoma sa mga naiipong taba, malambot, bilog, hindi lumalaki at gumagalaw ang bukol. kapag delikado, nagkakaroon na ito ng pagbabago sa laki, kulay at texture.--FRJ, GMA News