Sa murang edad na pito, natuto nang kumayod si Jhoncent mula sa Cavite para matulungan ang ina niyang maysakit.  Bukod sa nag-aaral bilang grade one pupil, isinasabay din niya ang paglalako ng gulay at iba pang paninda.

Tunghayan sa video na ito ng "Front Row" ang kahanga-hangang ugali ni Jhoncent, na kahit bata pa ay kinakitaan na ng labis na pagmamalasakit sa kaniyang inang maysakit.

Ang kaunti niyang kinikita sa paglalako, ibinibigay niya sa ina para may maipambili ng gamot. At kung may matitira ay pambaon niya sa pagpasok sa paaralan.

Kuwento ng kaniyang ina, hindi niya tinuruan o sinabihan ang kaniyang anak na magtinda. Sa halip ay kusang-loob daw na dumiskarte si Jhoncent na maghanap ng paraan upang kumita sa marangal na paraan at pinagsasabay pa ang pag-aaral. Panoorin.


Pero maliban sa pagiging masipag, kahanga-hanga rin si Jhoncent bilang batang mag-aaral na may  pangarap sa buhay.  Ang kaniyang guro, walang masabing hindi maganda para sa bata.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News