Musmos pa lang noon si Jojo nang maligaw at tuluyang napalayo sa kaniyang pamilya sa Pilipinas matapos siyang ampunin at dalhin sa Australia. Pagkaraan ng mahigit 30 taon, hindi nawala sa kaniyang isipan ang kaniyang tunay na ina kaya bumalik siya ng bansa para hanapin ang babaeng nagluwal sa kaniya.

ADVERTISEMENT

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo na selebrasyon ng Monther's Day, balikan ang pambihirang kuwento ni Jojo na hindi nagawang kalimutan ang tunay na ina sakabila ng napakaraming taon na lumipas.

WATCH: Ang iba pang nakaaantig na kuwento ng mga nagkawalay at muling nagkatagpo sa 'KMJS'

At sa tulong ng "KMJS," natunton din ni Jojo ang kaniyang tunay na ama, at maging ang kaniyang hinahanap na ina. Panoorin ang nakaaantig nilang pagkikikita sa video na ito.

--FRJ, GMA News