Kung dati ay mga pasaherong sakay ng eroplano inihahatid ng mag-asawang piloto at flight attendant, ngayon ay mga siomai na inorder sa kanilang online negosyo ang kanilang ginagawa.

Kabilang sina Ralph at Alexis Ricardo, sa mga nagtatrabaho sa aviation industry na natigil ang hanapbuhay dahil sa flight restrictions na ipinatupad ng iba't ibang bansa bunga ng COVID-19 pandemic.

Dahil kailangan pa rin naman nilang makahanap ng paraan upang kumita, naisip ng mag-asawa na pasukin ang online business sa pagbebenta ng siomai.

Sa puhunan na P15,000, sinimulan nila ang pagbebenta ng siomai noong Hunyo at ngayon ay kumikita na sila. Bukod dito, lalo raw tumatag ang samahan nilang mag-asawa.

Tunghayan ang kanilang kuwento at ang iba pang pumasok sa online negosyo ngayong pandemic, kabilang ang ilang sikat ng celebrity. Panoorin.

--FRJ, GMA News