Ngayong panahon ng pandemya, mahalagang malaman ng  isang tao kung sapat ba ang lakas ng kaniyang immune system para labanan ang COVID-19 kung sakaling kailangan na talaga niyang lumabas ng bahay at makipagsabayan sa ibang tao.

Sa pamamagitan ng resident doctor ng programang "Pinoy MD" na si Doc Oyie Balburias, ibinahagi niya ang ilang senyales o indikasyon kong malakas ba o "kompromiso" (compromised) ang inyong immune system.

Ayon kay Balburias, 70 porsiyento ng ating immune system ay nasa sikmura at isang palatandaan kung malakas ba immune system ng isang tao ay kung gaano kabilis gumaling ang sugat nito. Panoorin ang buong pagtalakay niya sa video sa itaas.

--FRJ, GMA News