Matinding takot ang bumalot sa mga residente sa isang barangay sa Malilipot, Albay nang makita nila kung gaano katindi ang pinsalang iniwan sa kanila ng sunod-sunod na pag-ulan.

Halos 50 kabahayan ang nalagay sa panganib dahil sa napakalaking uka na nilikha ng mga pag-ulan sa isang bangin sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

Ang dating kalsada, hindi na madaanan dahil natapyas na ng nangyaring pagguho ng lupa.

Ang bahay ng isang residente na ilang taon nilang pinaghirapan at pinag-ipunan para maitayo, napunta na sa gilid ng bangin na may taas na 130 hanggang 140 talampakan o katumbas ng 14 na palapag na gusali.

Papaano nga ba ang buhay ngayon ng mga residente sa lugar at papaano nauka nang ganoong katindi ang gilid ng bundok?

Tunghayan ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at panoorin din kung papaano umangkop ang mga residente sa Agusan Marsh na madalas na binabaha noon ang mga bahay. Panoorin.


--FRJ, GMA News