Maraming residente sa Luzon ang naperwisyo sa bahang mala-tsokolate ang kulay na dinala ni "Ulysses," at kinalaunan ay naging putik. Pero ang mga residente sa isang barangay sa Pakil, Laguna, tila na-enjoy kahit sandali ang baha sa kanila na malinis at mangasul-ngasul ang kulay.

Ang nag-viral na larawan sa binahang Barangay Burgos sa Pakil na mistulang "resort" sa ganda dahil mayroon pang tulay na parang disenyo, natuklasan na bahagi pala ng ilog at tulay talaga ang tulay na nasa larawan.

ADVERTISEMENT

Pero nang bumaha at lumampas na sa ilog ang tubig nang bumuhos ang ulan--ang ilog, naging instant swimming pool.

Dahil malinaw ang tubig-baha, ito na ang ginamit ng ilang residente na panlinis sa inanod nilang gamit. Ang iba, ginawang panlaba ang tubig-baha.

Pero bakit nga ba ganung kalinaw at hindi mala-tsokolate ang tubig-baha sa lugar? Ligtas nga ba talagang magtampisaw sa naturang baha? Panoorin ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News