Unti-unting nang binubuksan ang turismo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Pero para sa mga sabik nang makabiyahe sa ibang bansa pero takot pa rin sa COVID-19, may ilang pasyalan naman sa Pilipinas na para ka na ring nag-abroad sa ganda.

Gaya ng isang pasyalan sa Lipa, Batangas na para ka na ring nakarating sa The Netherland. Sa Medellin, Cebu naman, may isang lugar na "blooming" sa ganda na maihahalintulad daw sa Jeju Island ng South Korea.

Bukod diyan, mayroon naman bamboo forest sa Luy-A sa Cebu na ang dating sa mga bisita, para kang nasa Kyoto, Japan.

Sa mga mahilig naman sa adventure, puwedeng subukan ang razorback mountain coaster sa Dahilayan, Bukidnon upang malibot ang ipinagmamalaki nilang lugar na napakaraming pine trees.

Pero bago mag-empake ng gamit at bumiyahe, panoorin muna ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin ang mga patakaran sa pagbiyahe bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

--FRJ, GMA News