Sa programang "Pinoy MD," sinagot ng dermatologist na si Dra. Jean Marquez ang mga tanong tulad ng problema sa pagnipis ng buhok at paano ito malulunasan.
Ayon kay Dra. Marquez, kailangan munang alamin kung ano ang sanhi ng pagnipis ng buhok ng isang tao.
Isa umano sa nagiging problema sa pagnipis ng buhok ang lifestyle gaya nang kung madalas na nagpapa-"relax" na puwede umanong nakapinsala sa buhok.
Nakakaapekto rin sa pagnipis ng buhok at pagtubo ng hair follicle ang pagiging stress na sanhi ng hormone na cortisol.
Isa rin sa maaaring maging dahilan ng pagnipis ng buhok ang nutritional o vitamin deficiency gaya ng kakulangan sa iron.
Kapag nalaman na ang cause, sinabi ni Dra. Marquez na maaari nang maglagay ng mga pamahid sa anit gaya ng minoxidil para tumubo ang buhok.
May mga teknolohiya rin na makakatulong para malunasan ang pagnipis ng buhok kaya ng low level light lasers at ang bago ngayon na pag-inject ng platelet-rich plasma.
Panoorin ang buong talakayan pati na sa iba pang katanungan tulad ng pagsusugat ng paa matapos magkapaltos at ang skin asthma. -- FRJ, GMA Integrated News
