Bilang bahagi ng paghahayag ng kanilang tunay na pagkakakilanlan, ilang transgender sa Pilipinas ang nagnanais na palitan ang kanilang mga pangalan at gender identity. Posible naman kaya ito sa ilalim ng mga batas sa bansa?Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa “I-Witness,” sinabing taong 2007 nang may isang transwoman na naghain ng kaso upang mapalitan ang kaniyang pangalan at gender identity, ngunit hindi ito pinayagan ng Korte Suprema.Ipinaliwanag ni Atty. Lee Verdoguillo, na isang transwoman, na walang batas sa Pilipinas kaugnay sa pagpapalit ng pangalan sa mga legal na dokumento.“Legally speaking, ganu’n pa rin. Whatever gender they were assigned at birth, we are stuck with that. If you are marked male at birth, so parang right now, malabo na ma-change ‘yan,” sabi ni Verdoguillo.Limitado rin ang maaaring dahilan ng pagpapalit ng pangalan at detalye ng kapanganakan batay sa Civil Code Amendment ng Republic Act 1948.“Kung obviously erroneous lang talaga, puwede ka nang dumiretso sa city or municipal register para i-correct 'yung mga obviously erroneous na entry sa birth mo. And the law is very specific, it prohibits change in the civil registry of any person's nationality, age, status, or sex. Lahat ng transgender person sa Pilipinas ngayon ay walang ibang oportunidad upang makapag-iba ng name or gender marker,” anang abogado.Kaya sa kasalukuyan, maaari munang umasa ang mga trans na kikilalanin ng lipunan ang napili nilang kasarian.Nakabinbin pa rin sa Kongreso ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill o SOGIE Bill.Isa si Yumi Olmilla, na nagpaopera bilang transwoman, ang hinaharap ang reyalidad sa batas ng Pilipinas na lalaki pa rin ang kasarian niya.Sa kabila nito, masaya siyang nairaos ang kaniyang operasyon.“I am very proud, like 100% proud. Na-achieve ko 'yung goal ko. Kahit may mga tao na, you know, nagsasabi sila ng mga… alam mo na, may mga bagay na, ‘Hindi mo naman kailangan ‘yan.’ Yun 'yung gusto kong iparating sa kanila na hindi niyo alam 'yung nararamdaman ko, kaya it's easy for you to say that,” sabi ni Yumi.Pagkatapos ng bagong taon, muling nagpa-check up si Yumi sa doktor na si Dr. Alvin Jorge, isang Cosmetic and Gender Affirmation Surgeon, tungkol sa kaniyang operasyon.Ayon kay Dr. Jorge, isa sa mga dapat tiyakin ng mga transwoman ang hindi pagsasara ng vaginal canal na ginawa ng doktor.“Ang body will try to heal itself, it will try to close the wound. Kaya ang tendency talaga by nature, lilit at bababaw ang vaginal canal na cinreate natin. So para makontra mo yun, kailangan magda-dilate sila several times a day,” sabi ni Dr. Jorge.“In a way, yes, lifetime. But hindi naman siya ganu’n kahirap gawin kung sa pagtagal, you'll be doing it once a week or once every two weeks, which is probably acceptable na,” dagdag niya.Kilalanin sa video ang nag-iisang doktor na gumagawa ng gender affirmation sa Pilipinas. Panoorin.--FRJ, GMA Integrated News