Naghain ng mosyon si dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division nitong Lunes upang payagan siya na manatili muna sa ospital kung saan siya nakaratay habang hinaharap ang kasong plunder na isinampa laban sa kaniya ng Office of the Ombudsman.
Una rito, inihain ng Ombudsman laban sa dating speaker kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.4 bilyon. Kasama sa kaso sina dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, at dalawang iba pa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kickback scheme sa mga proyekto para sa flood control.
Dati nang itinanggi ni Romualdez ang mga ipinaparatang laban sa kaniya, at tiniyak na haharapin niya ang kaso.
Makalipas ang ilang oras matapos ihain ang habla, naglabas ang Third Division ng anti-graft court ng mga warrant of arrest laban sa kanila. Nang isilbi ng pulisya ang arrest warrant nitong Lunes ng hapon, napag-alaman na naka-confine na si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Ayon sa ulat ng GMA News “24 Oras,” sinabing binasa ng mga awtoridad kay Romualdez habang nasa hospital bed ang warrant, at ang kaniyang mga karapatan, sa harap ng kaniyang abogado.
Sa isang siyam na pahinang manifestation na isinumite sa Sandiganbayan, sinabi ni Romualdez na na-admit siya sa ospital noong Setyembre 7, 2026, at binanggit ang kaniyang medical history kaugnay ng kaniyang cardiovascular (heart) at brain condition.
Nakasaad sa manipestasyon ang mga kahilingan ni Romualdez sa korte na:
- Authorize the serving of any arrest warrant upon him at the Cardinal Santos Medical Center
- Allow him to remain under continuous lawful custody at the hospital for as long as inpatient confinement remains necessary, until he is medically cleared for transfer
- Approve the custody and security protocol he proposed
- Note that his submission to any warrant does not constitute a waiver of his previous objections to the case
Sa ilalim ng iminungkahing custody at security protocols ng dating speaker, hiniling niya na payagan siyang kumpletuhin ang booking at custodial documentation kapag isinilbi sa kaniya ang warrant.
Kabilang pa sa iba pang kahilingan sa ilalim ng iminungkahing protocol ang mga sumusunod:
- Continuous medical custody by Dr. Rosalio Torres and other responsible officers of the hospital designated by the Court
- Round-the-clock security guards
- Visitor restrictions and a visitor log
- No departure from or transfer out of the hospital without the court’s approval
- Arrangements for his required court appearances consistent with medical advice and court orders
Heart brain condition
Sa kaniyang manifestation para sa hospital arrest, binanggit ni Romualdez ang kaniyang medical history, kabilang ang angioplasty surgery na isinagawa sa kanya noong Oktubre 2024 dahil sa coronary artery disease.
Ayon sa dokumento, mula noon ay nangangailangan siya ng patuloy na cardiac monitoring at gamutan.
“He is currently confined due to the following: Hypertensive Atherosclerotic Cardiovascular Disease, Unstable Angina, Coronary Artery Disease, S/P PCI (post percutaneous coronary intervention), Cerebrovascular Ischemic Disease, Type 2 Diabetes Mellitus, Hypertension, Dyslipidemia, and Primary Hypothyroidism,” saad sa mosyon.
“... Accused previously underwent Angioplasty Surgery on 05 October 2024 due to Coronary Artery Disease, and has since required continuing cardiac monitoring and treatment,” dagdag nito.
Binanggit din sa dokumento na ang kasalukuyang kondisyon ni Romualdez, batay sa kaniyang mga medical certificate, ay nagpapatunay sa pangangailangan niya ng tuloy-tuloy na inpatient care. Nagbabala rin ito sa mga posibleng panganib kung maaantala ang kaniyang gamutan o kung ililipat siya ng lugar.
Nangako naman ang kaniyang attending physician na si Dr. Torres na agad nitong ipaaalam sa korte kung malaki ang pagbabago sa kondisyon ni Romualdez o kung gumaling na siya nang sapat upang ma-clear para makalabas ng ospital.
Ilang sandali matapos matiyak ng mga pulis na nasa Cardinal Santos Medical Center si Romualdez, isinilbi na sa kaniya ang arrest warrant at isinailalim sa booking process sa loob ng ospital.— FRJ GMA News
