Para sa iba, nakakatawa ang makakita ng mga taong mali-mali. Sa Libertad, Antique nga ginawa pa itong kontes. Pero sabi ng isang psychiatrist, seryosong usaping pangkalusugan ang pagiging mali-mali at maaaring humantong sa mas matinding problema.

Ayon sa isang dalubhasa, ang pagiging mali-mali ay bunga ng matinding pag-aalala at naranasang trauma. Maling-mali rin daw na laging ginugulat ang mali-mali para lamang pagtawanan dahil maaaring lumala ang kanilang kondisyon.

Pero bakit nga ba ang mga babae ang madalas na nagiging mali-mali, at ano ang maaaring gawin para matigil ang kakaibang kondisyon na ito sa pag-iisip? Panoorin ang pagtalakay dito ng programang ng "Kapuso Mo, Jessica Soho"



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News