Nami-miss ko na kayo! 

Ito ang pasigaw na nasambit ni Willie Revillame sabay pahid ng luha nang panoorin niya ang video na masaya niyang kasama sa studio ang mga taong matiyagang pumipila para makapanood sa "Wowowin."

Pero dahil sa krisis na dulot ng COVID-19, hindi pa puwede ang magkaroon ng maraming tao sa iisang lugar kaya hindi pa pinapayagan ang studio audience sa mga programa sa telebisyon.

Sa ngayon, ang penthouse ng Wil Tower ang nagsisilbing studio ng "Wowowin-Tutok To Win" at limitado lang ang kasama ni Kuya Wil para makapagprograma. Panoorin ang kaniyang mensahe para sa mga tao.


--FRJ, GMA News