Hindi ikinahihiya ni Nadine Samonte ang pagbebenta niya ngayon ng mga daing  o tuyong isda, lalo na't kailangan daw maging madiskarte ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang Instagram, inanunsyo ni Nadine na nagbebenta siya ng mga naturang produkto na nanggagaling sa Masbate.

Unsalted umano ang mga daing at tiniyak niyang masarap.

 

 

ADVERTISEMENT

Itinitinda raw nila ito by batches, na kinabibilangan ng danggit, sweet pusit, palad flakes, big dilis boneless at small dilis.

"Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngyn kelngn natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap tga," sabi ni Nadine.

Dagdag pa niya, "Biro pa nga raw ng kaniyang asawa, "Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha."

 

 

Sa iba pang IG post ni Nadine, makikita na enjoy ang aktres sa kaniyang simpleng buhay ngayon bilang ilaw ng tahanan.

 

 

Kabilang si Nadine sa first batch ng StarStruck ng Kapuso Network.

Napanood siya sa "Marimar" (2007), "Super Twins" (2007) at "Darna" (2009).--Jamil Santos/FRJ, GMA News