Umabot nasa sa P6 milyon ang naibigay ni Kuya Wil na tulong sa mga jeepney driver na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Matapos kasing magkaroon ng kalituhan sa listahan ng mga tsuper nang unang magbigay ng P5 milyong tulong si Kuya Wil, nangako ang "Wowowin-Tutok To Win" host na magbibigay pa siya ng suporta at kaniyang tinupad nang ibigay niya ang dagdag na P1 milyon pa. Panoorin.


--FRJ, GMA News