Laking tuwa ng apat na pulubi nang "limusan" sila ng scratchcard sa labas ng isang lotto shop sa Brest, France at tumama ng 50,000 euros o katumbas ng P2.8 milyon.

"What a surprise for the 4 young men when they discovered a win not of 5 euros, but of 50,000 euros," ayon sa pahayag ng French lottery operator na FDJ, na iniulat ng Agence-France-Presse.

ADVERTISEMENT

Nasa edad 30 umano ang apat na pulubi na namamalimos sa labas ng lottery shop nang bigyan sila ng isang lumabas na kostumer ng isang scratch card na nagkakahalaga ng one euro.

Pantay-pantay naman daw na pinaghatian ng apat ang kanilang napanalunan.

"They were dumbfounded, but lucid," ayon sa tagpagsalita ng FDJ.--FRJ, GMA News