Ilang beses nang pinaiyak ni Jak Roberto sa kaniyang mga prank ang girlfriend na si Barbie Forteza. But not this time. Alamin kung bakit.

Sa video na ini-upload ni Jak sa kaniyang Youtube channel nitong Linggo, nakitang umiiyak pa ang aktor at sinagot ang tanong ng followers kung bakit hindi siya nagpo-post ng video ni Barbie.

"Sa mga nagtatanong ho ng updates sa'min ni Barbie, siguro napapansin n'yo 'di kami masyado nagpo-post sa Instagram, sa social media, tungkol sa'ming dalawa," anang aktor.

Patuloy niya, "Hindi ko alam kung papaano sasabihin. Kaya ho kami nawalan ng updates sa isa't isa kasi...hindi ko alam kung may nasabi ba ako. Sorry, guys ha."

Kasunod nito, ipinakita na ni Jak sa video ang behind-the-scenes footage nang nangyari sa kanila ni Barbie matapos ang panayam sa kanila kamakailan ni Nelson Canlas para sa "24 Oras."

Sa video, makikita si Jak na tila may hinanakit habang kinakausap si Barbie na katabi niya sa sofa.

Pinuna rin ni Jak ang lock-in taping ni Barbie sa "Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday," tila nawalan na raw ng oras sa kaniya ang nobya.

"Alam mo ba, noong taping mo, napakabihira mo kayang mag-message. Naiintindihan ko naman nagtratrabaho ka. Minsan kapag gabi, pagod ka na. Sige, okay lang," saad ng aktor kay Barbie.

"Pero sa mga second week, third week, nasanay na ako, okay naman pala na ganito. Huwag kang mag-text, e, 'di sige, hindi rin ako magte-text, di ako magme-message sa'yo," sabi pa ni Jak.

Mula raw noon, parang na-enjoy daw ni Jak na walang iniisip na nobya.

Dito na tinanong ni Barbie si Jak kung nais ng nobyo na mag-cool-off muna sila.
"Gusto mong mag-cool off muna? Kasi, parang ganun yung nararamdaman ko. Baka gusto mo ng space," anang aktres.

Pero ang hindi alam ni Jak, sinasakyan na pala ni Barbie ang prank niya. Panoorin ang nakatutuwang video.


--FRJ, GMA News