May kasabihan na "in every successful man there's a woman." At mayroon ding mga  babaeng nagtatagumpay na ang nasa likod nila ay ang kanilang jowa. Gaya ng istorya ng vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," inihayag ni Cong TV ang suportang ipinakita sa kaniya ni Viy noong nagsisimula pa lang siya sa pagbi-vlog.

Nang mga panahong iyon, isang fan pa lang si Viy na na-in love kay Cong.

Si Cong naman, hindi makapaniwala na ang isang katulad ni Viy ang mabibihag niya.

Hanggang sa tuluyang sumikat si Cong bilang vlogger at ngayon ay kumikita na ng malaki.

Pero hindi sinolo ni Cong ang biyaya ng kasikatan. Katunayan, maging ang mga tropa niya ay nakasama na niya pagbi-vlog na tinatawag ngayong Team Payaman.

At ang kaniyang kasintahan, nakilala na bilang vlogger na si Viy, at negosyante rin.

Ang ipinangpuhunan ni Viy sa kaniyang negosyo--P10,000 na inutang niya kay Cong.

Tunghayan sa video kung saan na nakarating ang P10,000 na ipinuhunan ni Viy sa negosyo at  kung paano nila binuo at inabot ni Cong ang kanilang mga pangarap. Panoorin.

--FRJ, GMA News