PAALALA, NAGLALAMAN NG MASELANG EKSENA ANG VIDEO

Nauwi sa disgrasya ang paglalaro ng mga bata sa matulis na bagay na tila pana na ipinupukol sa puno ng langka na parang "dart."  Ang pana kasi, sa noo ng bata tumusok sa halip na sa puno.

Ang naturang pana, isang matigas at matulis na bagay na katulad ng dart pin na nilalagyan ng balahibo ng manok. Naging karaniwang libangan ito ng ilang bata hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Nagulat na lang ang mga tao nang makita ang nakatusok na ang pana sa noo ng bata na kaagad dinala sa ospital.

Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung ano ang nangyari sa bata na tinamaan ng dart sa noo, at ano rin ang magiging reaksyon ng mga magulang ng mga bata. Panoorin.

--FRJ, GMA News