Inihayag ni Sharon Cuneta ang kaniyang paghanga kay Donita Nose bilang isang mabuting kaibigan dahil sa suportang ibinigay kay Super Tekla na dumaan sa isang matinding pagsubok kamakailan.

Sa kaniyang Instagram stories, ibinahagi ni Donita na matinding kasiyahan na naramdaman niya nang padalhan siya ng mensahe ni "Megastar."

Mensahe ni Megastar: “I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla... he is so blessed to have you in his life. Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda ang mundo."

"I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much! Thank you for making me laugh. Lots of love," pagpapatuloy ni Sharon.

 


Hindi naman mapigilang maging emosyonal ng komedyante sa mensahe.

"Grabeee... can't explain my feelings now!.. Isang Mega Star lang naman.. nakakaiyak. Thank you po talaga madam @reallysharoncuneta I LOVE YOU PO.!."

Ilang linggo na ang nakalilipas nang ireklamo ni Michelle Bana-ag ang kaniyang live in partner na si Tekla.

Pero sa kabila nito, naging hayagan ang pagdepensa ni Donita para sa kaniyang kaibigan.

Nang maresolba na ang gulo at magkaayos ang dalawa, tumulong pa si Donita kay Tekla na linisin ang tinitirahan nitong condo at gawan ng simpleng makeover.


Bago ang problema sa kaniyang ka-live in, nagkaroon din ng isa pang problema si Tekla sa gastusin sa pagpapaopera sa bagong silang na anak nila ni Michelle na walang butas ang puwet.

Si Donita rin ang naging tulay ni Tekla para makalapit at makahingi ng tulong kay "Wowowin-Tutok To Win" host na si Willie Revillame.--FRJ, GMA News