Dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang apektado ang mental health dahil sa mga nawalang oportunidad, mga mahal sa buhay na pumanaw, pangamba na baka mahawa ng sakit at iba pa. Pero paano nga ba malalaman kung ordinaryong lungkot o takot lang ang nararamdaman at hindi anxiety o depression?

Sa programang "Pinoy MD," ibinahagi nina Martha at Mar ang kanilang pinagdaanan mental health problem at kung papaano nila ito hinanapan ng lunas.

Ang psychiatrist naman na si Dra. Joan Mae G. Perez-Rifareal, nagbigay din ng paalala tungkol sa tamang pangangalaga ng sarili para maiwasan o malunasan ang sakit.

ADVERTISEMENT

May payo rin siya sa mga taong may kakilalang nakikitaan ng sintomas ng anxiety-depression.

"Kung mayroon tayong kakilala na who go through ng mga symtom ng anxiety, depression it's really very impormantant, na number one huwag maging judgmental," saad ng duktora.

"Yung pang-unawa, yung support is very important kasi again it can help the individual to feel na hindi sila nag-iisa," patuloy niya.

Kapit lang at tunghayan ang buong pagtalakay sa usapin ito ng mental health sa video na ito ng "Pinoy MD." Panoorin.


--FRJ, GMA News