Sa pagpasok ng 2021 o Year of the Metal Ox, isa sa mga halaman na sinasabing magandang alagaan at nagdadala ng suwerte ay ang cactus.

Sa GMA News "Unang Hirit" nitong Martes, sinabi ng isang Feng Shui expert na mainam daw na ilagay ang mga rounded cactus sa mga maaaraw na parte ng bahay.

ADVERTISEMENT

Samantalang ang mga non-rounded na cactus naman ay mabuting ipuwesto sa mga CR o sewerage system.

Ayon sa Chinese Feng Shui, sumisimbolo raw ang cactus ng wais na paggamit ng pera.

Sumisimbolo naman daw ang mga prick o tusok-tusok nito ng negatibong enerhiya kaya iwasan itong ilagay sa kuwarto, kusina at front door.

Isang linggo lamang diligan ang cactus, at matapos mag-repotting, itanim sila sa tuyong lupa. --FRJ, GMA News