Ibinahagi ni Heart Evangelista na mayroon pa rin silang sariling "space" ni Sorsogon Governor Chiz Escudero kahit mag-asawa sila. Katunayan, hindi raw siya nagbibihis sa harap ng kaniyang mister.

"My dad would always tell me, ‘You have to leave a little bit of yourself,’" sabi ni Heart sa YouTube vlog ni beauty doctor Dr. Aivee Teo nitong Linggo.

“So if you go to the toilet, close the door. If magbibihis ka, don’t make bihis in front [of them]," dagdag ni Heart.

Ayon sa Kapuso actress, "Ako, I don’t dress up in front of Chiz. When he sees me naked, he only sees me naked when it’s that one."

Para kay Heart, isa ito sa mga paraan para maging fresh pa rin ang relasyon nila ni Chiz.

ADVERTISEMENT

“Hindi ’yung nagdadaan ka, nagpupulbo ka [ng kili-kili]. ’Di ba ang pangit?” sabi ni Heart.

Inihayag din ni Heart na hindi niya rin pinahihintulutan si Chiz na makita siyang naglalagay ng lotion at kapag nagmumumog sa banyo tuwing umaga.

Sinisiguro rin ng mag-asawa na nakasarado ang pinto ng kanilang mga banyo.

Kapag naman matutulog, sinabi ni Heart na nagsusuot siya ng gowns o silk robes.

“Ako 'pag natutulog ako naka super gown ... I wear 'yung silk, robe na maganda because wala ka nang makeup, gandahan mo na. It feels good in the morning to wake up like that," sabi niya.

Sinabi ni Heart na huwag pa ring kalimutan ang sarili kapag nag-asawa na, hindi para sa iyong partner kundi para sa sarili mo.

“I always believe you shouldn’t let go of yourself just because nag-asawa ka na o may anak ka na, again in connection with your dreams and your aspirations in life,” sabi niya.

“It's the same with your looks because it’s not because you’re being vain or vain is a sin, it’s taking care of yourself, for your self-worth,” dagdag ni Heart.

Ipinagdiwang nina Heart at Chiz ang kanilang ikanim na wedding anniversary nitong nakaraang linggo.-- FRJ, GMA News