Viral online ang isang tricycle na likhang Pinoy na tumawid sa sikat na Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing ideya nina Mike Arcega at Paolo Asuncion, na mga mahihilig sa motorsiklo, ang disenyo ng tricycle.

ADVERTISEMENT

Buong ipinagmalaki ng dalawa na orihinal na galing sa Pilipinas ang side car ng tricycle.

Bukod sa pagtampok sa tricycle sa Asian Art Museum, plano rin nila na lagyan ito ng karaoke, at isama sa mga pagtitipon ng Asian community bilang pagkondena sa isyu ng hate crimes sa Amerika.--Jamil Santos/FRJ, GMA News