Humingi ng tulong ang Kapuso star na si Michael V. o Bitoy na i-report ang isang Facebook account na gumagamit ng kaniyang pangalan at may mahigit 200k followers.

"Sa mga concerned at nagtatanong, salamat at paki-report na lang ‘tong FAKE FB ACCOUNT na ‘to. Daming p’wedeng gayahin, ako pa naisip," sabi ng comedy genius sa kaniyang post na kasama ang screen grab ng naturang fake account.

ADVERTISEMENT

Sabi pa ni Bitoy, "Paki-report at unfollow na rin ‘yung mga nagpo-post ng pagsuporta ko sa kung kani-kaninong tatakbo sa eleks’yon. IT’S 100% FAKE."

Sa buong career daw ng aktor, isang politiko pa lang ang sinuportahan niya sa presidential election noong 2010.

Nang silipin ng GMA News ang inirereklamong pekeng FB account na mayroon ding halos 190,000 likes, makikita na inalis na ang larawan ni Bitoy pero nakalagay pa rin ang pangalang "@MichaelBitoyGma·Artist."

--FRJ, GMA News