Bilang isang babae at ina, ramdam daw ni Camille Prats ang bigat ng kalooban ni LJ Reyes matapos makipaghiwalay kay Paolo Contis.

Sa ulat ni Bernie V. Franco sa PEP.ph, sinabi ng "Mars Pa More" host na si Camille, na  kumikirot ang puso niya para kay LJ na kaniyang kaibigan at co-host din sa nasabing show.

Ipinaparamdam daw ni Camille kay LJ na bilang kaibigan ay handa siyang damayan ito kahit anong oras.

“Ang sinabi ko lang naman, I’m always here for her. If she needs someone to talk to," ayon kay Camile. “Siyempre, nilalagay ko rin yung sarili ko sa sitwasyon niya.

Batid din umano ni Camille na hindi madali ang pinagdadaanan ni LJ, lalo pa't may mga bata na involved.

Nagsalita si LJ tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo sa interview sa kaniya ni Boy Abunda kamakailan na ipinost sa YouTube.

Nasa Amerika na ngayon si LJ kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

"Kapag naaalala ko siya, I just type a simple prayer, a quick prayer, and I just send it to her whenever I can," ayon kay Camile.

“Siyempre yung pain, yung nakasanayan mong ilang taon of being together, lahat ‘yon mababago,” dagdag pa niya.

Samantala, sa nagdaang episodes ng "Mars Pa More" na co-host si LJ at bago makumpirma na hiwalay na ang dalawa, sinabi ng aktres na mas pipiliin niyang mag-migrate kasama si Paolo kaysa gumanap sa major role.

Sinagot din ni LJ ang tanong kung mayroon na ba siyang ginawa na ikinagalit noon ni Paolo.--For the full story, visit PEP.ph