Nagiging aktrasyon sa mga tao ang kakaibang disenyo ng mga puntod sa sementeryo ng Ileb, Nambaran sa Tabuk City, Kalinga.

Agaw-pansin sa mga napapadaan sa lugar ang makukulay at kakaibang disenyo ng mga nitso kaya napapatigil sila at nagpapakuha ng larawan.

Kabilang sa mga disenyo ng nitso na makikita sa libingan ay barko, helicopter, eroplano, Bibliya, kabayo, cake, van, carrot, bote ng alak, at iba pa.

Ginawa umano ang libingan noong 1986.

Ayon sa mga residente na may kaanak na nakahimlay sa libingan, ang kakaibang disenyo ng nitso ay nagpapaalala sa masasayang alaala noong kasama pa nila ang namayapa nilang mahal sa buhay.

Ang sementeryo ay tinatayang 20 minuto ang layo mula sa Bulanao, patungo sa direskyon ng Tuguegarao.--Peewee Bacuño/FRJ, GMA News