Ipinakita ni Zia sa isang school program na namana niya ang husay sa pagsayaw ng kaniyang mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na dating miyembro ng isang all-male dance group na Abztract Dancers.

Sa Instagram, nag-post si Marian ng mga larawan at video ni Zia na nagsasayaw para sa isang school program kasama ang ilang kaklase.

Sa video, hataw si Zia sa pagsayaw at masayang na nagkomento si Dingdong sa post na, "Abztract!"

Nakasuot si Zia ng black crop top, black and pink bottoms, pink jacket, at pink and white sneakers.

Saad ni Marian sa post, "Another proud stage mama moment for me! Congratulations Zia & The rainbow girls."

 

 

Nagpaabot naman ang mga celebrity ng pagbati at kasiyahan sa post ni Marian gaya nina Iya Villania, Althea Ablan, Gabby Eigenmann, Sheena Yvette Castro Halili-Manzanero, Chynna Ortaleza Cipriano, Joyce Pring, at Maricris Garcia Cruz.

Ni-repost din ni Dingdong sa kaniyang Instagram Stories ang naturang video.

Kamakailan lang, nagpakita rin si Zia ng husay sa pagtugtog ng piano.— FRJ, GMA Integrated News