Napansin ng netizens na tanging Instagram account ni Tom Rodriguez ang pina-follow ni Clint Bondad.

Si Clint ang dating boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Marami rin ang naintriga at umani ng iba't ibang reaksyon sa larawang ipinost ni Clint noong 2019 na kasama niya ang bilyonaryang Thai trans woman na si Anne Jakrajutatip, na nilagyan niya ng caption na "sidekick."

Pero nilinaw ni Anne sa hiwalay na post na parang kapatid lang niya si Clint.

Kung si Tom lang ang pina-follow ni Clint, mahigit 1,000 accounts naman sa Instagram ang pina-follow ng Kapuso actor, kabilang si Clint.

Noong 2019, nagpahayag si Clint tungkol sa breakup nila ni Catriona na, "it is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life."

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, sinabi ni Clint na si Catriona pa rin ang "the most beautiful woman" na kaniyang nakilala, at hangad niya ang kaligayahan nito.

Sa sumunod na taon (2020), inihayag nina Catriona at Sam Milby ang kanilang relasyon. Naging engaged ang dalawa noong 2023.

Pero kamakailan lang, binura ng beauty queen ang engagement photo nila ni Sam sa Instagram.

Inihayag naman ng Cornerstone Entertainment, na talent agency ng dalawa, na may "pinagdadaanan" ang makasintahan.— FRJ, GMA Integrated News